Switch Mode

Fifth wedding anniversary Ch 11

Fifth wedding anniversary Ch 11

CHAPTER ELEVEN

Nanginginig ang mga mata ni Vincent, halatang nabigla. “I didn’t… I swear,” mahina niyang sabi.

“Vincent, huwag mo nang lokohin ang sarili mo,” mahinahong sagot ni Kate, pero may bigat ang bawat salita.” May mga bagay na kapag pinilit pang itago, mas nagiging pangit lang. Everyone ends up losing face. Honestly. Annulment is better for both of us. It’s the right thing. Mitch fits more na maging asawa mo, na nasa puso mo” 2

“Kate!” bigla siyang pinutol ni Vincent, bahagyang tumataas ang boses. “Are you still stuck on Mitch? I’ve explained this so many times already.” 3

“Vincent, hindi ako ang hindi maka-move on kay Mitch,” diretso niyang sagot habang tinititigan siya. “It’s you.”

Muling natigilan si Vincent. “Kate…”

“Alam naman nating dalawa, right?” pilit niyang pinakalma ang sarili, ayaw magmukhang nagtatampo, seryoso siyang nakikipag-usap. “It’s time to put a full stop sa five years natin. Vincent, let’s end this with dignity. Let the past, lahat ng sama ng loob, lahat ng sakit, just fade away with the wind.” 1

Matagal siyang tinitigan ni Vincent, parang may gustong sabihin pero hindi mailabas. Maya-maya, tumayo rin ito. 3

“Kate, you’re overthinking things. Someday you’ll understand..Mitch coming back won’t change anything. It’s late. Get some rest.”

“Vincent, I know you feel guilty,” mahinang sabi niya, halos pakiusap. “Pero hindi ko na kailangan ‘yan. I don’t want a marriage built on guilt. Let me go and set yourself free too, please…

Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin, hinubad na ni Vincent ang coat niya at diretso pumasok sa banyo. 1

Tinitigan ni Kate ang coat na basta na lang niyang itinapon sa maliit na sofa. Noon, automatic na gagalaw ang katawan niya at pupulutin iyon, isasabit nang maayos, hahanapin ang pantulog ni Vincent at ilalagay sa may pintuan ng banyo.

Pero ngayon, hindi siya gumalaw.

Sa nakalipas na limang taon, palagi niyang iniisip na wala siyang silbi. Pilay ang binti niya, hindi siya makapagtrabaho, hindi siya nakakatulong sa pag-unlad ng pamilya na bubuuhin nila. Si Vincent na ang nag- aayos ng lahat, mula sa bahay hanggang sa buhay nila. Para siyang isang palamuti lang, nakatayo sa gilid, walang ambag.

Kaya kahit papaano, pinilit niyang alagaan si Vincent sa paraang kaya niya. Kahit maliit na bagay lang na pag- aasikaso, pag-aalaga na akala niya sapat na. Pero baka may isang bagay siyang matagal nang hindi napapansin.. Maybe what he needed wasn’t her quiet care… kundi isang presentable na Mrs. Vincent Fuentebella-isang babaeng pwedeng tumayo sa tabi niya, makipagsabayan sa clients, na maging mukha ng kanyang mundo. Just like today. 4

Hindi lang niya maintindihan kung ano pa ang pinanghahawakan ni Vincent. Bakit, sa kabila ng lahat, ayaw pa rin nitong makipaghiwalay?

Paglabas ni Vincent ng banyo, diretso na siyang humiga sa kama, malinaw ang mensahe-conversation is over.

Hindi na rin nagsalita si Kate.

Tama na. Every attempt to communicate drains her. Mas mabuting gamitin na lang niya ang lakas niya sa pag- iisip ng sarili niyang kinabukasan. Mag-focus sa direksyong gusto niya. Kapag dumating ang araw na kaya na niyang umalis, kung hiwalay man sila o hindi… hindi na ganoon ka importante.

1/2

Fifth wedding anniversary Ch

Fifth wedding anniversary Ch

Status: Ongoing

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Options

not work with dark mode
Reset