CHAPTER TEN
+15 Bonus
Habambuhay niyang dadalhin ang bigat niya ng isang pabigat na hindi niya matakasan, paano nga ba hindi sasakit?
Ang taong pinakamamahal niya ay nasa tabi lang niya, pero dahil sa kapansanan niya, hindi siya magawang mahalin ng tunay-paano nga ba hindi mas sasakit?
Ang konsensya at ang pagnanais na makawala sa pagkakagapos ay paulit-ulit siyang sinusunog, paano nga ba hindi sasakit? 1
Kaya, Vincent, pakawalan mo na ako… Hindi ba mas mabuti iyon?
1
MAG-ISA nang umuwi si Kate. Sa harap niya, nakahilera ang sampung kahon ng relo. Matagal na siyang nakatitig sa mga relong nasa harapan niya, parang wala sa sarili. 4
May isang sandali, isang iglap ay gusto niyang isa-isang ihagis ang mga kahon sa pader. Basagin. Durugin. Ipalasap ang galit pero hindi niya ginawa.
Hindi kailanman nakakawala ng problema ang bugso ng damdamin. Nang tuluyan nang kumalma ang puso niya, binuksan niya ang isang buy and sell applications at naghanap ng buyer ng luxury items. Hindi nagtagal, may nahanap siyang seller na malapit lamang sa kanila.. Napag-usapan nila na alas-diyes ng umaga, kukunin ang mga relo na ibebenta niya. 1
Eksaktong alas-diyes din ang oras na umaalis si Ate Nova, para mamalengke. 1
Matapos ayusin iyon, binuksan ni Kate ang laptop at buong tutok na nagsimulang maghanap ng impormasyon tungkol sa visa processing. Isang buwan na lang at aalis na ang grupo nina Maam Agatha. 1
Ang oras ng pag-alis niya ay opisyal ng nagka-countdown.
Naupo siya sa harap ng computer, walang iniintinding iba. Isang post, tapos isa pa. Binasa niya ang lahat, isa- isang pinasadahan ng tingin. 1
Pabago-bago ang tibok ng damdamin niya. Hindi kailanman naging ganito katahimik ang mundo. At hindi rin kailanman naging ganito ka-exciting.
Hindi niya namalayang lumipas ang buong gabi.
Sobrang lalim ng pagkakatitig niya sa laptop niya na at hindi niya namalayan na nakauwi na si Vincent. Hanggang sa marinig niya mula sa likuran, sa may pintuan ng kwarto.
“What are you doing?”
Nagulat siya. Mabilis niyang isinara ang laptop.
Bumalik na si Vincent. Gaya ng dati, mahinahon pa rin. Parang walang nangyari. Lumapit sa kanya at sa mababa at malambot na boses ay nagtanong ito,
“Watching a series? What show is that? Mukhang interesting ah? Gising ka pa hanggang ngayon?”
Pinipilit nitong mag-usap sila. 1
Nakahawak ang kamay ni Kate sa laptop ng mahigpit. Hindi pa niya naisara ang mga web page sa loob. “Hindi mo magugustuhan.”
“Hindi ko pa nga napapanood, paano mo nasabing I won’t like it?” sabay abot nito para buksan ang laptop.
1/3
CHAPTER (IN
+15 Bonus
Hindi. Ayaw niyang makita nito ang mga binasa niya kanina. Mas lalo niyang idiniin ang palad sa laptop, ayaw humitaw.
Inakala ni Vincent na galit pa rin siya. Hindi na ito nakipag-agawan. Sa halip, lumuhod ito sa harap niya at tiningnan ang maigi ang mukha niya. 1
“Still mad at me?” tanong ni Vincent sa kanya.
“Hindi.” 1
Marami siyang nararamdaman ngayon, disappointment, despair, anger pero hindi galit. 1
Dahil ang galit… Ibig sabihin, kaya pang suyuin. Ibig sabihin, may pag-asa pa ang kasal. 1
At ang kasal nila ay wala na.
Limang taon.
Sapat na yun.
“Kate,” sabi ni Vincent, “there’s really nothing between me and Mitch. We’re just classmates and friends. She just got back from abroad, nagkita-kita lang kami. What happened at the mall was purely a misunderstanding. Please believe me.”
Sa sandaling iyon, bumalik ang dati niyang tiyaga at lambing.
Nang hindi pa rin siya nagsalita, nagsalita pa rin ito..”Supposed to have dinner with your parents today, remember? Hindi natuloy. We can go another day?”
Umiling si Kate.
Ayaw niyang umuwi sa kanila. Dahil sa bahay nila, ang maririnig lang niya mula sa mga magulang at kapatid niya ay napakaswerte niya at ang makapangasawa niya ay si Vincent, isang napakalaking biyaya sa kanya.
“You don’t want to go home?” mas lalo pang naging banayad ang boses ni Vincent. “It’s been more than a month since we last visited them. Don’t you miss your parents?”
Tinitigan ni Kate ang mga mata ng asawa..
Walang init. Ang lambing niya ay walang apoy. Parang isang program na naka-install sa sistema niya. Pag bukas, automatic na tumatakbo. 1
“Vincent,” mahinahon niyang sabi, “Hindi ka ba napapagod?”
Natigilan ito, halatang hindi naintindihan ang sinabi niya. Napangiti si Kate ng mapait. “You love someone else… pero araw-araw mo pa rin akong inaalagaan, tinatanong kung okay lang ako, kung malamig ba ako, kung kumain na ba ako.” 1
Tumigil siya sandali, tumititig sa seryoso nitong mukha at muling nagsalita.
“Isn’t that exhausting?” 1