Switch Mode

Fifth wedding anniversary Ch 12

Fifth wedding anniversary Ch 12

CHATTER (WREST

+15 Bonus

Sino bang matinong tao ang bibili ng sampung magkakaparehong relo? Kung ikaw ay bumibili ng second-hand

ems, iisipin mo talagang baka nakaw iyon.

“Okay na. I’ll take them. Next time kung may gusto ka pang ibenta, tawagan mo lang ako-bags, jewelry, anything luxury.” sabi ng babae habang inilalagay ang mga relo sa isang malaking bag.

“Alright. Thank you. Pasensya na sa abala.” 2

Natanggap na ni Kate ang notification ng bank transfer sa cellphone niya. Kahit kailan talaga, kapag may pera sa kamay, gumagaan ang pakiramdam ng puso. Napakaraming regalo ang ibinigay sa kanya ni Vincent. Kung magiging pera ang mga iyon, kahit papaano ay nagkaroon din ng halaga. 3

Pagkaalis ni Vivian, binuksan ni Kate ang cellphone niya at binura ang bank notification. Sa totoo lang, maramina rin siyang ipon sa account niya. Hindi maikakaila na kahit walang puso si Vincent sa kanilang kasal, napakagenerous nito pagdating sa pera. Sa limang taon nilang pagsasama, wala naman siyang masyadong pinagkagastusan kaya malaki na rin ang naipon niya at sapat para makapag-aral siya sa ibang bansa o kahit saang university niya man gustuhin.. 1

Kumuha siya ng bagong notebook.

Binuksan niya ito at nagsulat: Countdown sa pag-alis kay Vincent: 30 days. Letting go- disposing of gifts. Pagkatapos noon, nagsimula siyang ihanda ang mga dokumentong kailangan para sa visa. Dahil kasama siya sa isang group performance tour, inayos niya ang lahat ng papeles, pinrint ang mga ito, isinama ang passport, at nag -book para ipadala kay Ma’am Agatha. 2

Mabilis na naman lumipas ang isang araw. Pagsapit ng gabi, balak sana ni Kate na mag-scroll lang ng ilang posts online bago magpahinga. Pero hindi niya inaasahan na ang algorithm ay muling magtutulak sa kanya ng bagong post ni Mitch. 2

Pagtingin niya…Isang larawan iyon ni Mitch na nakaupo sa loob ng shopping cart sa supermarket.

Hindi ipinakita kung sino ang nagtutulak sa cart. Dalawang kamay lang ang nakunan sa litrato… at ang manggas ng damit.

Pero sapat na iyon. Dahil ang mga kamay na iyon—-Kay Vincent. Si Kate mismo ang pumipili ng lahat ng damit ni Vincent. At ang cufflinks na iyon… pamilyar na pamilyar sa kanya. Malabong magkamali siya. Dahil siya mismo ang nagreklamo noon na pangit ang dating cufflinks ni Vincent.

Kaya nagpagawa siya ng bagong pares para dito. Isang pares na tanging si Vincent lang ang mayroon. Isang pares na… walang katulad. 2

Comments

Support

Fifth wedding anniversary Ch

Fifth wedding anniversary Ch

Status: Ongoing

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Options

not work with dark mode
Reset