Switch Mode

Fifth wedding anniversary Ch 13

Fifth wedding anniversary Ch 13

CHAPTER THIRTEEN

+15 Bonus

BINASA ni Kate ang post ni Mitch.. “The happiest thing in the world is this, after going through countless storms, may taong patuloy kang tinatrato na parang baby. Thank you for still being here, my prince.”

Kaya pala. Ito pala ang surprise na ibinigay ni Vincent kay Kate.

Grabe. Talagang… nakakagulat.

Isang beses lang namasyal sa supermarket sina Kate at Vincent noong bago pa lamang ang kanilang kasal. Bihirang-bihira ang weekend na nasa bahay si Vincent. Kaya buong puso niyang niyaya ang asawa, gusto niyang bumuo ng isang maganda, family atmosphere, kaya inaya niya itong mag-grocery. 2

Noon, totoo ang pinangarap niyang masayang pagsasama, three meals a day, buong buhay na masaya, sabay mamili, sabay umuwi, sabay uminom habang lumulubog ang araw, sabay na salubungin ang bawat umaga at gabi. 1

Sayang lang. Panaginip lang pala ang lahat. 2

Sa nag-iisa nilang grocery trip, may nakasalubong si Vincent, isang kakilala. Hindi malinaw kung nakatatanda o kung sino. Tinawag siya nito sa pangalan. 1

At ang unang reaksyon ni Vincent ay bigla niyang nilayuan si Kate. Parang instinct na kailangan siyang iwasan kapag may tao..

Kaswal na nagtanong ang taong kilala nito. 2

“Vincent, grocery shopping?”

“Yeah… just walking around. Alone,” sagot ni Vincent sa kakilala.

Alone.

Ang salitang iyon ay parang isa na namang karayom na tumusok sa mismong laman ng kasal niya. Noon, itinutulak ni Kate ang punong-punong shopping cart, mag-isa siyang nakatayo roon. Samantalang si Vincent, patuloy na nakikipag-usap sa kakilala, palayo nang palayo sa kanya. 3

Kung hindi pa siya napansin ng ibang tao na nakaharang siya sa daan at sinabihang, “Miss, excuse me,” hindi niya alam kung gaano pa siya katagal tatayo roon, pilit nilulunok ang sakit.

Pero nang nagmamadali siyang umatras para magbigay-daan, hindi pa sanay ang katawan niyang may kapansanan, nawalan siya ng balanse.

Burnagsak siya. Kasama ang shopping cart. Sa sobrang sakit, hindi siya makatayo. 1

Isang maliit na bata ang lumapit, kasama ang nanay nito. Tinulungan nilang itayo ang cart at isa-isang pinulot ang mga pinamila nila. Hinawakan ng bata ang kamay ni Kate gamit ang malambot nitong palad, pilit siyang hinihila paitaas, at sa munting tinig nito, malambing ang boses ay sinabi sa kanya 2

“Ate, don’t cry. Baby will blow it for you.”

Sa tulong ng bata at ng nanay nito, tuluyan siyang nakatayo. Halos maubos ang lakas niya sa pagpipigil ng luha. Nang bumalik si Vincent para hanapin siya, wala na siyang ipinakitang kahit ano na parang walang nangyari. 2

Pero simula noon, hindi na siya muling nag grocery kasama si Vincent. Isa na namang bula na pinapangarap niyang masayang kasal ang pumutok. Sa bawat pumuputok na bula, may isa pang karayom na naiiwan sa laman niya. Kailangan niya itong pagtiisan, tanggapin at ilibing sa tamang lugar para lang hindi masyadong masakit.

At ngayon, habang tinititigan niya ang litrato si Mitch ay nakaupo sa shopping cart, inaalagaan na parang baby ay

1/2

CHAPTER TWIN

+15 Bonus

bumalik ang pamilyar na pakiramdam ng paglunok ng karayom. Parang tinik ng isda sa lalamunan niya na hindi

ailuwa at hindi malunok. 1

Kalahating oras pa lang naka-post ang picture ni Mitch, pero puno na agad ng comments.

Dahil sa pag-usisa, binuksan niya iyon.

At nagulat siya dahil mas maraming nanlalait kaysa pumupuri sa mga comments.. 2

“Ilang taon na ‘yan, wala bang hiya?”

“Ang dumi ng sapatos, tapos ilalagay sa cart na pangpagkain-nakakadiri.” 1

“Akala niya cute siya? My God, kung magpapacute, sa bahay na lang.”

Bihira, pero iisa ang direksyon ng opinyon. 1

At sa mismong sandaling iyon, narinig ni Kate ang pagbukas ng pinto sa bahay nila.

Kasunod nito ang ingay at kaguluhan.

Maraming dumating. At ang pinakamaingay sa lahat si Mitch. 1

“Wow! Vincent! Look at this sofa! And this huge window! The dining table! The lights! The carpet! Everything is so beautiful!”

“Vincent, do you still remember the style we talked about for the new house? You really turned it into your home?” 2

“Ang laki ng space! Sabi ko na sa’yo noon, mas maganda ang condominium! You kept insisting on a townhouse- see? Mas maganda talaga ito!”

2/2

+15 Bonu

CHAPTER FOURTEEN

MULING nayang ang pagkaunawa ni Kate. Matagal niyang inakala na kaya bumili si Vincent ng ganitong klaseng condominium ay dahil inisip nito na hindi na tulad dati ang ang paglakad niya. Pero hindi pala.

Ang condo na ito ay hindi para sa kanya. Ito pala ang pinapangarap na bahay nina Vincent at Mitch noon. Isang maluwang na condominium. European-style lighting. Malalaking floor-to-ceiling windows. Moroccan-style carpet. Fabric sofa. 1

European dining table. 1

Lahat ng iyon, lahat ay ayon sa gusto ni Mitch. Sa labas ng kwarto, patuloy pa rin ang masiglang boses ni Mitch

“Oh my God, Vincent! Ang dami mong Venice dolls! Did you buy every single design? Paano mo ito nakolekta lahat?” tanong pa ni Mitch kay Vincent.

Sumabat naman si Norman sa usapan.. “Kailanman ay hindi nakalimutan ni Vincent na gusto mo ang mga yan kaya ahit siya ang magbiyahe o ibang tao, friends or clients, sinisiguro niyang may maiiuwi siya sa bahay na galing sa Venice.” 2

Sa loob ng kwarto, mahigpit na hawak ni Kate ang doorknob. Bahagyang nanginginig ang kamay niya. Sa tenga niya, biglang sumingit ang isang alaala. 1

“Vincent, bakit ka bumili ng napakaraming dolls?” tanong niya noon sa asawa na nagtataka.

“I was afraid you’d get bored being alone at home. Kahit hindi sila nagsasalita, they make the house feel full. Hindi mukhang empty,” sagot sa kanya ni Vincent kaya napangiti siya.

Oo nga naman.. Paanong magiging empty ang bahay na ito? Ang bahay na ito ay ang marital home nilang mag- asawa pero may isang Mitch na palaging narito. 4

Sa dining area. Sa living room. Sa tabi ng bintana. Sa bawat sulok, kahit wala si Mitch roon, naroon ang alaala nito, naroon ang presensya dahil lahat ng gusto ni Mitch ay ginawa nito..

Paano magiging empty?

Minsan pa nga, napapaisip si Kate kapag natutulog silang magkatabi ni Vincent, at napakalayo ng pagitan nila, naiisip niya na baka si Mitch ang iniisip ni Vincent na nasa gitna nilang dalawa.

Sa wakas, hindi na niya kinaya. Binuksan niya ang pinto. Gusto niyang makita ang ginagawa ng mga ito. Alam ba ng mga taong ito na may isang maybahay pa sa bahay na ito? Kahit pa gusto niyang makipaghiwalay, hindi pa sila hiwalay. Hindi pa. 2

Marahil dahil medyo malakas ang tunog ng pagbukas ng pinto, lahat ng mata ay sabay-sabay na napalingon sa kanya. 1

Hawak ni Mitch ang isang doll, halatang ayaw bitawan. Ngumiti ito at bahagyang ikinaway ang hawak niya kay

Kate.

“Kate, sobrang inggit ako sa’yo. Ang dami mong dolls. Can I have this one?” malambing na pakiusap sa kanya ni

Mitch. 1

“Pwede,” sagot ni Kate mula sa pintuan, walang pag-aalinlangan. Nang marinig iyon ni Vincent, isang kuntentong ngiti ang sumilay sa mukha niya.

Ngunit agad na idinugtong ni Kate, malamig at malinaw ang bawat salita. “Pwede mong kunin lahat. Lahat ng dolls. Ang bahay na ito. At pati ang taong ‘yan-sa’yo na. Kunin mo,” ani pa ni Kate na puno ng hinanakit.

1/2

+15 Bonus

Habang binibigkas niya ang salitang “ang taong ‘yan,” nakatingin siya diretso kay Vincent. Biglang nagbago ang

kspresyon ni Vincent.

“Kate!” sigaw ni Vincent, galit at gulat na gulat.

Mabilis na namula ang mga mata ni Mitch, parang biglang nasindak. Agad niyang ibinalik ang doll sa pinanggalingan nito.

“Kate, please don’t be mad. Hindi ko ‘yon ibig sabihin: I just… I really didn’t mean it that way. You misunderstood me and Vincent. If you don’t like me coming here, then… I’ll leave.”

Tinakpan ni Mitch ang mukha at tumalikod, tila iiyak na akmang lalabas ng bahay. Pero paano siya hahayaang umalis? Hinarangan agad ni Vincent si Mitch. At kasunod noon, lumapit sina Norman at ang iba pa, ang buong grupo at pumwesto sa likod ni Mitch. 2

Isa-isa nilang tinitigan si Kate, galit at puno ng pagkondena, parang siya ang pinakamasamang tao sa silid/ samantalang siya ang binastos. 1

Lalong nag ngitngit si Norman at mariing nagsalita.

“Vincent, ayokong manghimasok pero nasasaktan si Mitch. Hindi kami komportable sa nakikita namin ang pagtrato ng asawa mo sa kanya,” wika pa ni Norman na tiningnan siya ng masama..

Hindi raw sila makikialam pero malinaw ang sinabi nito sa kanya. 1

Si Mitch o asawa. Pumili ka. At kung mali ang pipiliin mo wala ka na ring mga kaibigan, iyon ang dating sa kanya. Pinapapili nito si Vincent. 1

Fifth wedding anniversary Ch

Fifth wedding anniversary Ch

Status: Ongoing

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Options

not work with dark mode
Reset