CHAPTER FOURTEEN
MULING nayang ang pagkaunawa ni Kate. Matagal niyang inakala na kaya bumili si Vincent ng ganitong klaseng condominium ay dahil inisip nito na hindi na tulad dati ang ang paglakad niya. Pero hindi pala.
Ang condo na ito ay hindi para sa kanya. Ito pala ang pinapangarap na bahay nina Vincent at Mitch noon. Isang maluwang na condominium. European-style lighting. Malalaking floor-to-ceiling windows. Moroccan-style carpet. Fabric sofa. 1
European dining table. 1
Lahat ng iyon, lahat ay ayon sa gusto ni Mitch. Sa labas ng kwarto, patuloy pa rin ang masiglang boses ni Mitch
“Oh my God, Vincent! Ang dami mong Venice dolls! Did you buy every single design? Paano mo ito nakolekta lahat?” tanong pa ni Mitch kay Vincent.
Sumabat naman si Norman sa usapan.. “Kailanman ay hindi nakalimutan ni Vincent na gusto mo ang mga yan kaya ahit siya ang magbiyahe o ibang tao, friends or clients, sinisiguro niyang may maiiuwi siya sa bahay na galing sa Venice.” 2
Sa loob ng kwarto, mahigpit na hawak ni Kate ang doorknob. Bahagyang nanginginig ang kamay niya. Sa tenga niya, biglang sumingit ang isang alaala. 1
“Vincent, bakit ka bumili ng napakaraming dolls?” tanong niya noon sa asawa na nagtataka.
“I was afraid you’d get bored being alone at home. Kahit hindi sila nagsasalita, they make the house feel full. Hindi mukhang empty,” sagot sa kanya ni Vincent kaya napangiti siya.
Oo nga naman.. Paanong magiging empty ang bahay na ito? Ang bahay na ito ay ang marital home nilang mag- asawa pero may isang Mitch na palaging narito. 4
Sa dining area. Sa living room. Sa tabi ng bintana. Sa bawat sulok, kahit wala si Mitch roon, naroon ang alaala nito, naroon ang presensya dahil lahat ng gusto ni Mitch ay ginawa nito..
Paano magiging empty?
Minsan pa nga, napapaisip si Kate kapag natutulog silang magkatabi ni Vincent, at napakalayo ng pagitan nila, naiisip niya na baka si Mitch ang iniisip ni Vincent na nasa gitna nilang dalawa.
Sa wakas, hindi na niya kinaya. Binuksan niya ang pinto. Gusto niyang makita ang ginagawa ng mga ito. Alam ba ng mga taong ito na may isang maybahay pa sa bahay na ito? Kahit pa gusto niyang makipaghiwalay, hindi pa sila hiwalay. Hindi pa. 2
Marahil dahil medyo malakas ang tunog ng pagbukas ng pinto, lahat ng mata ay sabay-sabay na napalingon sa kanya. 1
Hawak ni Mitch ang isang doll, halatang ayaw bitawan. Ngumiti ito at bahagyang ikinaway ang hawak niya kay
Kate.
“Kate, sobrang inggit ako sa’yo. Ang dami mong dolls. Can I have this one?” malambing na pakiusap sa kanya ni
Mitch. 1
“Pwede,” sagot ni Kate mula sa pintuan, walang pag-aalinlangan. Nang marinig iyon ni Vincent, isang kuntentong ngiti ang sumilay sa mukha niya.
Ngunit agad na idinugtong ni Kate, malamig at malinaw ang bawat salita. “Pwede mong kunin lahat. Lahat ng dolls. Ang bahay na ito. At pati ang taong ‘yan-sa’yo na. Kunin mo,” ani pa ni Kate na puno ng hinanakit.
1/2
+15 Bonus
Habang binibigkas niya ang salitang “ang taong ‘yan,” nakatingin siya diretso kay Vincent. Biglang nagbago ang
kspresyon ni Vincent.
“Kate!” sigaw ni Vincent, galit at gulat na gulat.
Mabilis na namula ang mga mata ni Mitch, parang biglang nasindak. Agad niyang ibinalik ang doll sa pinanggalingan nito.
“Kate, please don’t be mad. Hindi ko ‘yon ibig sabihin: I just… I really didn’t mean it that way. You misunderstood me and Vincent. If you don’t like me coming here, then… I’ll leave.”
Tinakpan ni Mitch ang mukha at tumalikod, tila iiyak na akmang lalabas ng bahay. Pero paano siya hahayaang umalis? Hinarangan agad ni Vincent si Mitch. At kasunod noon, lumapit sina Norman at ang iba pa, ang buong grupo at pumwesto sa likod ni Mitch. 2
Isa-isa nilang tinitigan si Kate, galit at puno ng pagkondena, parang siya ang pinakamasamang tao sa silid/ samantalang siya ang binastos. 1
Lalong nag ngitngit si Norman at mariing nagsalita.
“Vincent, ayokong manghimasok pero nasasaktan si Mitch. Hindi kami komportable sa nakikita namin ang pagtrato ng asawa mo sa kanya,” wika pa ni Norman na tiningnan siya ng masama..
Hindi raw sila makikialam pero malinaw ang sinabi nito sa kanya. 1
Si Mitch o asawa. Pumili ka. At kung mali ang pipiliin mo wala ka na ring mga kaibigan, iyon ang dating sa kanya. Pinapapili nito si Vincent. 1
!