CHAPTER THIRTY
kaw na ang nagbukas!” ani niya… Nanatili siyang nakatayo sa kinatatayuan niya, iniwas ang mukha, nakasandal sa pader habang mahigpit na dinidiinan ang sobre sa kamay niya.
Nadagdagan ng kaunting pagkawalang-gana ang tingin ni Vincent.
“Tumitindi yata ang topak mo nitong mga nakaraang araw,” sabi niya, may halong pagod.
Pero hindi na niya pinilit pa. Wala ring bakas ng pagdududa na may itinatago siya sa likod. Tahimik lang siyang pumasok sa loob ng bahay.
Sa huli, si Ate Nova ang nagbukas ng package. Samantalang si Kate, mabilis na itinago ang results at bumalik sa guest room.
“Kate, get ready. Aalis na tayo,” sigaw ni Vincent mula sa labas.
“Vincent!” Lumingon siya, puno ng inis.
“Hindi mo ba kayang irespeto man lang ako? Lahat na lang ba kailangang biglaan at parang announcement?” 1
Lumapit si Vincent sa may pintuan ng guest room. “Mrs. Fuentebella, biglaan pa ba ito? Today is your father’s birthday.”
Natigilan si Kate.
“O,” taas-kilay niyang dagdag, “or do you want me to go alone?” ani pa Vincent sa kanya.. 1
“Sandali, magpapalit lang ako,” sabi niya, sabay sara ng pinto.
Pero ikinagulat niya at hinarang ni Vincent ang pinto. Malalim ang tingin, may halong duda. “Kailangan ba talagang magsara? Dahil ba ‘yon sa batang dancer na ‘yon?”
“Ang weird mo!” Mariin niyang isinara ang pinto.
Limang taon na silang kasal at kailan ba sila hindi nagsasara ng pinto kapag nagpapalit ng damit? At siya pa nga ang unang nagpauso no’n! Parang takot na takot na baka mawalan ng “purity” kapag nakaharap siya. Kahit pajama, naka-button hanggang leeg! Tapos ngayon biglang wala nang “kailangan”? Hindi ba’t may sayad? 2
Paglabas niya, nakaupo na si Vincent sa sofa, naghihintay.
“Let’s go.” 1
Napansin niya ang pulang sobre sa ibabaw ng coffee table. Isang tingin pa lang, alam na niya, para sa tatay niya iyon. Makapal. Ilang libo, baka ilang sampung libo o higit pa.. 1/
Taon-taon, ganito tuwing birthday ng mga tao sa pamilya niya. Masaya ang nagbibigay. Masayang-masaya ang tumatanggap. Siya lang ang naiipit habang palaki nang palaki ang halaga ng sobre, mas lalo ring bumibigat ang pakiramdam niya. 3
Pagpasok niya sa kotse ni Vincent, nakita rin niya sa likurang upuan ang mga kahon ng sigarilyo at alak mga branded, naka-set pa. Gustong-gusto iyon ng tatay niyang mahilig magyabang. Nakatira ang mga magulang niya sa isang subdivision, mga tatlumpung minutong biyahe lang. Bahay iyon na binili ni Vincent matapos silang ikasal. 1
Alam ni Kate na hindi gusto ni Vincent ang pamilya niya. Pero never siyang tumanggi kapag may hinihingi. Noong ikasal sila, malaki ang ibinigay nitong bride price da pamilya niya.. Siyempre, hindi iyon ibinalik ng mga magulang niya. Ang sabi ng nanay niya..”Pinalaki ka namin nang ganito, ibibigay lang ba namin nang libre ang
1/2
+15 Bonus
isang malaking dalaga? Tsaka napakayaman niya, ano bang halaga niyan sa kanya?”>
Pagkatapos ng kasal, tuwing makikita si Vincent ng mga ito ay reklamo nang reklamo ang mga magulang niya, yung lumang bahay daw ay laging basa, masikip, hindi komportable at si Vincent ay hindi tanga sa mga parinig ng mga ito… Alam niya ang ibig sabihin no’n. Kaya bumili siya ng bahay na may apat na kwarto at ibinigay sa kanila. 2
Noong nakaraang taon naman, nag graduate ang kapatid niyang lalaki. Sabay-sabay silang nagbuntong-hininga sa harap ni Vincent mahirap daw maghanap ng trabaho. Naintindihan ni Vincent.
Kaya nagtayo si Vincent ng kumpanya para sa kapatid niya.
May isang beses pa narinig ni Kate ang tunog ng cellphone ni Vincent. Hindi sinasadya, nasilayan niya ang screen.
Isang reminder: Birthday ng kapatid ni Kate.
Doon niya nalaman na lahat ng mahahalagang petsa niya at ng pamilya niya, naka-save kay Vincent. May / reminders. Kaya mas kabisado pa niya ang birthdays ng pamilya niya kaysa sa kanya mismo…
At marami pang ganon bagay. Hindi na mabilang.
Mahilig magyabang ang mga magulang niya. Sa labas, ikinukuwento nila kung gaano kayaman at kabait ang manugang nila. Kaya lahat ng tao sinasabi: Ang swerte niya sa asawa.
Inaamin ni Kate na bilang manugang, bilang bayaw, perpekto si Vincent.
Kahit bilang asawa, sa mata ng iba, halos wala kang maipintas. Kung gagamitin ang salitang “mabuti” para ilarawan si Vincent-sang-ayon siya.
Pero malinaw na malinaw sa kanya ang isang bagay: Ang lahat ng “kabutihang” ginagawa ni Vincent ay hindi dahil mahal na mahal siya- 2
kundi dahil nagbabayad siya ng kasalanan. 3