CHAPTER FIFTEEN
Stotoo lang, sobra lang talaga ang pag-aalala ni Norman.. Hindi niya kailangang makipag-agawan pa ng pabor, dahil siguradong si Mitch ang pipiliin ni Vincent. Hindi makalabas si Mitch dahil hinarangan siya ng mga kaibigan. Tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha niya. Nang magsalita si Norman para ipagtanggol siya ay bigla pa siyang humagulgol ng iyak habang nakatingin dito. 1
“Huwag kang magsalita ng kung anu-ano! I’m not being treated unfairly!” iyak niya.
Pagkasabi non ay mahigpit na hinawakan ni Mitch ang braso ni Vincent, nanginginig ang mga daliri at namumugto ang mga mata.
“Vincent… I’m not wronged, really. I came here to apologize to Kate. I already prepared myself mentally-kahi ano pa ang sabihin ng asawa mo, tatanggapin ko. I just… I just feel really sad. Instead of helping you, I only made things worse. Mas lalo pang nagalit si Kate… I’m sorry, Vincent,” paghingi ng tawad ni Mitch na umiiyak.
Halos umapaw na ang awa sa mukha ni Vincent. Lumingon siya kay Kate, kunot ang noo, puno ng inis ang boses. 2
“Kate, pakinggan mo nga ang sinasabi niya. Ikumpara mo naman-Mitch is way more sensible than you!” ani
Vincent.
Direktang nakatingin si Kate kay Mitch at malinaw niyang nakita ang mapanalong ngiti sa labi nito. Isang kisap lang iyon, dahil nang yumuko si Vincent para tingnan si Mitch, bigla itong nag-iba ng anyo, mukhang api, parang biktima ng buong mundo. 2
Napahanga rin si Kate sa galing ng ganitong klaseng pag-arte. Kaya’t ngumisi siya nang mapait at malamig na sumagot.
“Yeah, exactly. Mas bagay talaga siyang maging asawa mo’di ba? Hindi ba at sinabi ko na nga na magbibigay ako ng puwesto? Magpaparaya ako… Bakit hindi ka pa pumayag?” pauyam na sagot ni Kate.
Parang tinamaan si Vincent sa sinabi niya. Totoong nagalit siya.
“Kate, you really think I wouldn’t dare? Why do you think I haven’t agreed, hindi mo ba alam ang dahilan?”
“Vincent! Please, don’t…” hikbi ni Mitch.
“Kung gagawin mo ‘yan, parang sinasabi mong mali ang pagbabalik ko sa bansa. Huwag kang magalit kay Kate. Please… huwag kayong maghiwalay. Huwag kang makikipag-hiwalay sa kanya, okay?”
Marahang tinapik ni Vincent ang balikat ni Mitch. Huminga siya nang malalim bago muling humarap kay Kate.
“Kate, today, Mitch personally went to the grocery, cooked food, invited everyone over just to get along with you sincerely. Gusto ka lang niyang maging kaibigan. Pag-isipan mo nga ang mga sinasabi mo. Is it appropriate to say those things to a young woman? She’s still single. She still has a future marriage. You’re basically smearing her reputation. Paano na siya mabubuhay pagkatapos nito?”
“No, no, no!” agad na salag ni Mitch. “I’m really fine, Vincent. Kahit ano pa ang sabihin ni Kate tungkol sa akin, okay lang. I just don’t want her to misunderstand you or misunderstand us. I don’t want you two fighting because of me especially… especially in front of company shareholders…”
Mas malinaw pa sa sikat ng araw ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. 2
Sa kabilang banda, kitang-kita na sa mga mukha ng grupo ng kalalakihan ang paghamak kay Kate- walang modo, walang konsiderasyon, immature, nag-iinarte, hindi marunong magbigay ng mukha kay Vincent. Paano raw naging karapat-dapat maging asawa ng boss ang ganitong babae? 2
1/2
+15 Bohus
༥
Hindi na nakatiis si Norman at muling nagsalita. “Buti na lang magkakaibigan lang tayo. Family matters should Stay within the family. Kung may ibang tao rito, sobrang kahihiyan na ito. Kung may taong walang pakialam sa dignidad ni Vincent, kami-kami ay meron..”
Lalong nainis si Kate. Tinawanan niya ito nang may pangungutya.
“Oh? So alam niyo rin palang kahihiyan ito? Alam niyo ring nakakahiya? Oo naman, nakakahiya talaga. Ang tanong lang ay kung sino ang nakakahiya? Hindi ko na lang sasabihin dahil alam ko naman kung sino..”
“Sino ang sinasabi mong nakakahiya?” galit na singhal ni Norman kay Kate.
“Oh, simple lang. Kung sino ang nag-iisip ng asawa ng iba, siya ang nakakahiya, Kung sino ang nag-iisip ng babaeng hindi niya asawa, siya rin ang nakakahiya. Kung sino man ‘yon, huwag na lang mag-react kung tinamaan.”
“Kate!” galit na sigaw ni Vincent, bigla siyang pinutol- hindi malinaw kung dahil sa galit o dahil tinamaan siya sa mismong katotohanan. 2
2/2