CHAPTER TWENTY-NINE
Sagad na sagad na sa pagkainis ni Kate. Hindi, seryoso hindi na talaga niya gusto ang posisyong asawa pa siya ni
Vincent.
“Vincent,” hindi na niya napigilan ang sarili, “ano ba ang obsession mo at feeling mo kailangan talaga nandito ako sa bahay na ito bilang asawa mo? I don’t want to be your ‘forever Mrs. Vincent Fuentebella’ Hayaan mo najsi Mitch ang magbanta sa posisyon ko, okay lang sakin!” 2
Huminto sandali si Vincent, pero isang mapanuyang ngiti lang ang isinagot. Para bang iniisip niyang nag-iinarte lang siya. Wala siyang sinabi at diretso lang siyang pumasok sa master bedroom at naligo.
Matapos ang nangyari kanina, pawis na pawis din si Kate. Naligo ulit siya, nagpalit ng T-shirt, at muling humiga sa kama. Sa kalagitnaan ng gabi, bumuhos ang malakas na ulan. Ang tunog ng patak ng ulan sa bintana ay parang white noise na nakakaantok. Biglang lumamig pa lalo ang paligid. Habang nakikinig siya sa ulan, unti-unti siyang nakatulog. 2
Kinabukasan, kusa siyang nagising. Nang silipin niya ang oras ay alas nuwebe na. Nagulat siya. Naririnig pa rin niya si Vincent sa labas, kausap si Ate Nova, at hindi pa umaalis papuntang opisina. Hindi iyon ang normal na kilos ng isang workaholic. 1
Matapos magbilin kay Ate Nova, saka lang umalis si Vincent. Doon pa lang bumangon si Kate.
Habang nag-aalmusal, lumapit si Ate Nova para magpahatid ng mensahe.
“Ma’am, sabi po ni Sir, may aasikasuhin lang daw siya saglit tapos babalik siya. Pagbalik niya, sasamahan ka raw niyang umuwi sa parents mo. Pinaghihintay ka raw po niya.” 1
Parang biglang bumigat ang sikmura ni Kate, ni hindi na niya matikman ang lugaw sa harap niya. Kailan pa siya nagsabing uuwi siya? Hindi niya gustong umuwi. Pero hindi niya maibubuhos ang inis kay Ate Nova. Wala naman itong kasalanan. 1
Inilapag niya ang kutsara hindi na siya kakain. 1
“Ma’am…” alanganing tawag ni Ate Nova. 1
“Ano pa ang sinabi ng Sir mo?” tanong ni Kate. Kailan pa naging ganito ka-verbose si Vincent?
“Wala na po…” nag-alinlangan si Ate Nova. “Pero may gusto lang po sana akong sabihin hindi ko alam kung dapat ba…’
Napabuntong-hininga si Kate. “Sabihin mo na.”
“Ma’am, huwag niyo po akong masamain, matanda na po ako, dumaan na sa buhay may-asawa. Alam niyo po, ang tungkol kasal na ito…” kitang-kita ang hiya niya. “Yung…ahmmm- pagiging mag-asawa talaga, importante po ‘yon. Since si Sir naman ang nag-initiate, baka po ewan ko lang… Ma’am, kung may anak po kayo, baka mas gumaan ang lahat?” 1
Medyo lumagpas na sa hangganan ang sinabi ni Ate Nova.
Pero limang taon na siyang inaalagaan nito at alam ni Kate na bukal sa loob ang malasakit. Kaya hindi siya nagalit. Tahimik lang niyang sinabi,
“Salamat, Ate Nova. I know you mean well. Pero hindi ganoon kasimple ang problema namin ni Vincent… Huwag na po nating pag-usapan ‘yan ulit.”
“Opo… sorry po, Ma’am.” Halatang kinabahan si Ate Nova.
1/2
+15 Bonus
Biglang tumunog ang cellphone ni Kate sa mesa. Kinuha niya at sinagot-delivery.
‘am, dalawang item po ito. Isang malaking kahon, tapos isang envelope na dokumento.” 1
Pagkarinig ng document, kinabahan agad si Kate. Result iyon ng application siya..Sigurado siyang iyon na ‘yon.
“Pakiakyat na lang po,” mabilis niyang sabi at agad itinawag sa lobby.
Tama nga siya, ang score report niya nga iyon.. At ang malaking kahon, ang mga damit na inorder niya para kay Vincent noong isang buwan. 2
Pagkatapos pumirma, isasara na sana niya ang pinto ng muling bumukas ang elevator. Lumabas si Vincent.
“Ano ‘yan?” tanong niya habang papalapit. 1
Mabilis na itinago ni Kate ang envelope sa likod niya, pilit nagpapakalma.1
“Your clothes.”
“Hmm.” Mukhang satisfied ito sa sagot niya… Pagpasok sa bahay ni Vincent, hinaplos pa niya ang buhok ni Kate na parang sinasabing that’s more like it. 1
Dahan-dahan siyang umikot ng katawan, takot na makita ang envelope sa likod niya.
“Hindi mo bubuksan? Para masukat ko?” tanong ni Vincent, nagtataka kung bakit nakatayo lang siya roon.
Buksan? Kung bubuksan niya ‘yon-edi lalabas ang totoo. 1
At kapag nakita ni Vincent ang sobre sa likod niya exposed na ang lahat. Kinabahan siya.
BIG SALE: 3500 bonus free fou you