།
CHAPTER EIGHT
HABANG nagsasalitai si Maam Agatha nang bigla siyang makatanggap ng isang tawag. Base sa tono ng usapan, may naghahanap rito at mukhang importante.
Hindi na nag-abala si Kate, alam niyang hindi niya dapat pigilan ang dating guro sa mas mahalagang bagay. Kaya napilitan talaga siyang magpaalam. 2
Doon na nagsalita si Vincent. “Nelson, Maam Agatha, may I ask kung saan kayo naka-check in? I can give you a ride.”
Ngunit sinabi ng dalawa na sa katabing hotel lang sila, kaya hindi na kailangan. Gayunman, halatang nag-aalala pa rin si Agatha para kay Kate, kaya tinanong niya, “Ikaw, Kate, saan ka ba umuuwi?”
Napatingin si Kate kay Vincent bago niya binanggit ang pangalan ng kalye at ng subdivision.
“Nelson, I’ll just take a cab,” sabi ni Maam Agatha. “Ikaw na lang ang maghatid kay Kate.”
Doon agad sumabat si Vincent, parang sinasamantala ang pagkakataon. 1
“We actually live in the same subdivision as Miss Kate. We can take her home.”
“Ah… gano’n ba?” halatang nag-alinlangan si Maam Agatha.
Ngunit ngumiti si Kate at diretsahang sumagot, “Sure. That’s fine. Thank you, Mr. Vincent.”
Sinadya niyang idiin ang salitang “Mr. Vincent na para bang estranghero sila sa isat-isa.” 1
Napakunot ang noo ni Vincent nang marinig iyon. Pero nagkunwari si Kate na wala siyang napansin. Kaya’t napagkasunduan na si Vincent, Kate, at Mitch ay sabay-sabay na bumaba ng elevator patungong basement parking.
Pagdating nila roon, biglang huminto si Mitch. Hindi na siya sumunod pa, sa halip ay tumayo lang siya sa may entrace, may ngiting matamis sa labi at boses na ubod ng lambing.
“Okay na, Vincent,” sabi niya sa malambing na tono. “You two can go home na. I’ll just take a cab. Kate-I’m giving Vincent back to you.” 2
Giving her back? 2
Kailan pa siya pumayag na ipahiram ang sarili niya? 2
Mas lalo pang lumapit si Mitch, hinawakan ang braso ni Kate at marahang inuga iyon, parang naglalambing.
“Kate, please don’t be mad. Hindi naman namin sinasadya yung misunderstanding kanina. Alam mo naman, Vincent really values this project. And since Mr. Nelson and his wife look very loving, it’s a plus point sa partnership. So we just went along with it, hindi na namin in-explain… kasi ikaw-”
Napatingin siya sa mga binti ni Kate, bago muling dumikit sa kanya. “Kate, you won’t be angry with us, right?” 2
“Us?” malamig na tumawa si Kate. “Sinong us? Who exactly are you talking about?”
Agad nag-iba ang kulay ng mukha ni Mitch.
Hindi kailanman naging komportable si Kate sa mga estrangherong dumidikit sa kanya lalo na kung ang taong iyon ay si Mitch. Kaya matapos niyang magsalita, marahan niyang hinugot ang kanyang braso palayo. Sumumpa siya, she only pulled her arm away. Hindi siya gumamit ng lakas. Hindi niya itinulak. Kahit kaunti.
1/2
༤༽
CHAPTE
+15 Bonus
Pero sa hindi niya maintindihang dahilan, natumba si Mitch sa sahig. 1
Kate!” biglang sigaw ni Vincent, unang beses niyang tinaas ang boses at binanggit ang pangalan niya. 2
Ngunit si Mitch ang mas naging emosyonal. Agad siyang bumangon at hinarangan si Vincent, literal na ginamit ang buong katawan niya para pigilan ito. Dumikit siya nang todo, halos yakapin na, habang umiiyak-iyak na
nagsusumamo.
“Vincent, please don’t be angry. Please don’t blame Kate. It was my fault. I just lost my balance. She barely touched me. Please, don’t fight because of me. I’ll be really hurt if you do…”
Ang husay ng arte ni Mitch at marahil, si Vincent lang talaga ang kayang maniwala rito. Habang sinasabi niya iyon, sinadya niyang ilantad ang gasgas sa kanyang pulso-yung bahagyang sugat na parang sinadyang ipakita
Oh, at sa pulso ring iyon, suot niya ang relo na kabibili lang nila kanina. Ang relo na may sampung piraso si Kate ng parehong modelo.
Nang makita ni Vincent ang gasgas sa pulso ni Mitch, agad kumunot ang noo niya. Puno ng awa at pag-aalala ang
mga mata.
“Kate!” mariin niyang sabi. “What’s wrong with you? Dati naman you were gentle and understanding. Why are you being so hostile toward Mitch?” 2
“Hostile?” bahagyang tumawa si Kate, malamig at mapait. “How could I possibly be hostile? After all… she’s already Mrs. Vincent Fuentebella. What reason do I have to be hostile?”
“You-” napigilan si Vincent. Nawalan siya ng maisagot.
Bumaba ang tingin niya kay Mitch at marahang nagtanong, “Does it hurt?”
“Not really…” mahina at paos na sagot ni Mitch, parang nagpipigil ng luha. Sinasabi niyang hindi masakit pero inilapit niya pa rin ang pulso niya sa baba ni Vincent, parang tahimik na pagsusumbong.
At doon, sa ilalim ng malamlam na ilaw ng parking lot, ramdam ni Kate kung paano unti-unting tumutusok ang bawat salita parang karayom na muling bumaon sa puso niya. 4
Comments
Support
Share
2/2