Switch Mode

Fifth wedding anniversary Ch 17

Fifth wedding anniversary Ch 17

CHAPTER SEVENTEEN

Kailan ba siya umusad na hindi masakit? Nang gabing iyon, hindi umuwi si Vincent.

Wala rin namang balak si Kate na hintayin siya. Tahimik at maayos niyang tinapos ang mga dapat gawin. Bago matulog, nakatanggap siya ng message inula kay Maam Agatha, iniimbitahan siyang manood ng isang performance kinabukasan ng gabi. 1

Kung ilang araw lang ang nakalipas, at may nagyayang manood ng palabas, baka naisip pa niyang nakaka-offend iyon. Pero ngayon ay hindi na. Agad siyang pumayag. Nagkasundo sila ni Maam Agatha na mag-dinner muna, saka sabay pupunta sa dance performance. 1

Tomorrow is something to look forward to. Kaya ngayong gabi, kailangan niyang matulog nang maayos. Pero kapag sobrang excited ang isang tao, paano nga ba makakatulog nang mahimbing? Paulit-ulit siyang nagising buong gabi. Ang kakaibang halo ng excitement at anxiety ay tumagal hanggang kinabukasan ng hapon.

Alam naman niya na after 2 p.m. pa lalabas ang result ng kanyang exam, pero hindi niya mapigilan ang sarili at paulit-ulit na chine-check ang email, tapos ang website, tapos balik na naman sa email. Hanggang sa hapon, dumating na rin ang notification na kanyang inaabangan.. 1

Agad siyang nag-log in sa official site. At nang makita niya ang overall score na 7, napatulala siya. Hindi siya makapaniwala sa sarili niyang mga mata.

Alam niyang maayos ang performance niya. Pero hindi niya kailanman pinangarap ang ganito kataas na score. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na kahit 6.5 lang, okay na ako. 1

Para sa arts track, sapat na ang 6.5. Anim na buwan lang ang nakalipas-6.0 lang siya noon.

Mahigpit niyang hawak ang phone, saka siya bumagsak pahiga sa kama.

At sa isang iglap bumuhos ang luha. 1

Sa pagkakataong ito, hindi para kay Vincent. Hindi rin para sa kasal na unti-unti nang nauupos. Kundi para sa isang malaking hakbang palapit sa sarili niyang pangarap. 1

Limang taon.

Limang taon ng pagbabasa ng English novels para lang pumatay ng oras. Limang taon ng pakikinig sa English programs, panonood ng English films, pag-sagot ng mock tests. Lahat ng iyon ay biglang nagkaroon ng saysay sa sandaling iyon.

Dahil kulang siya sa tulog kagabi, at ngayon ay malinaw na ang resulta, parang bumigat na tinik na biglang nabunot sa dibdib niya. Nakatulog siyang muli. Pagdating ng hapon, magaan na ang pakiramdam niya habang naghahanda para makipagkita sa teacher. 4

Paglabas niya ng kwarto at pagdating sa living room, napatigil si Ate Nova, bakas ang pagkagulat sa mga mata

nito.

Dahil ngayon-naka-long dress si Kate, at may make-up. Sa loob ng limang taon, halos hindi na siya nagsusuot ng dress, at bihira na ring mag-ayos ng mukha. Ang isang paa na puno ng peklat at hirap lakaran ay hindi lang nagkulong sa kanya sa pisikal na espasyo dahil ikinulong din nito ang pananabik niya sa sariling ganda. Pakiramdam niya noon, hindi siya karapat-dapat.

“You lo–ok beautiful, Ma’am,” hindi maitago ni Ate Nova ang paghanga. “Saan po kayo pupunta?” “Manonood po kami ng performance ng teacher ko,” sagot ni Kate. May kaunting kaba pa rin sa boses niya. Ang suot niyang dress ay halos hanggang bukung-bukong, at naka-stockings pa siya para hindi halata ang mga peklat

1/2

CHAPTER SEVENTEEN

༩༽

+15 Bonus

sa binti. 1

Muli niyang magalang na tinanggihan ang alok ni Ate Nova na samahan siya.

Paglabas niya ng bahay, ang pakiramdam niya ay parang munting usa na matagal na nakatago sa gubat, biglang lumabas sa mundo, excited, pero may kaba.

Nag-dinner sila ng teacher niya ng local dishes, magaan, fresh, at swak na swak sa panlasa niya.

Pagkatapos noon, sabay silang nagtungo sa theater. Ang palabas ngayong gabi ay mula sa La Prima Ballet, isang klasikong production na isang pyesang ilang ulit na niyang sinayaw noong estudyante pa siya. Pag-angat ng musika, parang may ginising sa kaibuturan ng kanyang puso.

Kahit nakaupo lang siya sa audience, kahit alam niyang maaaring hindi na siya muling makakatapak sa entablado, ang mga daliri ng paa niya ay kusang gumalaw kasabay ng tugtog..Isang muscle memory na nakaukit na sa katawan niya.

Sa huling bahagi ng palabas, habang nakaupo siya sa gitna ng audience, pinakikinggan ang nakabibinging palakpakan, pinapanood ang mga taong isa-isang umaakyat sa stage para mag-abot ng bulaklak sa mga ballerina 2

Muli siyang naiyak. Hindi dahil sa lungkot. Hindi dahil sa sakit. At lalong hindi dahil sa kawalan ng pag-asa. Kundi dahil sa sayaw mismo at sa malalim na ugnayan nito sa kanyang kaluluwa. 1

Ito ang minsan niyang pinakamahal. Ang kanyang unang pag-ibig.

At sa loob ng limang taon ay nakalimutan niya ito.

Fifth wedding anniversary Ch

Fifth wedding anniversary Ch

Status: Ongoing

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Options

not work with dark mode
Reset