Switch Mode

Fifth wedding anniversary Ch 18

Fifth wedding anniversary Ch 18

CHAPTER EIGHTEEN

Shuling bahagi ng palabas, inabot ng mga artista ang mga bulaklak at iniabot sa mga batang nasa audience. Habang pinapanood ni Kate ang mga batang iyon ay nagniningning ang mga mata habang tinatanggap ang mga bulaklak na may kakaibang datndaming bumalot sa kanya. Isang pakiramdam ng pamana, ng pagpapatuloy.#

Nasa front row ang upuan ni Kate. Nang bumaba ang male lead, ngumiti ito at iniabot ang bulaklak sa kanya.

Nagulat siya. Saglit siyang natulala, hindi agad naka-react. Si Maam Agatha pa ang bahagyang tumulak sa kanya bago siya nakaramdam at dali-daling tinanggap ang bulaklak.

“Thank you,” mahina niyang sabi sa male lead. 1

“Thank you for watching my performance,” sagot nito sabay yuko, bago muling umakyat sa entablado. 2

Habang pauwi, tinanong siya ni Maam Agatha kung naaalala pa ba niya ang male lead.

Wala na siyang maalala.

“Graduate siya ng academy natin,” nakangiting sabi ni Maam Agatha. “Two batches below you. Chief dancer na siya ngayon ng La Prima Ballet.’

Ah-isang junior pala.

“Naalala mo ba ‘yung reporting performance noon? Ikaw ang female lead, siya ang male lead B-cast. Nasugatan ang main male lead, kaya siya ang pumalit. Nakalimutan mo na?” dagdag pa ng guro. 1

Doon lang niya naalala…Oo nga, parang may ganoong nangyari.

“Chief dancer na siya ngayon… that’s really good.” May bahagyang lungkot at panghihinayang, pero mas nangingibabaw ang saya para sa mga dating kaklase.

Inakbayan siya ni Maam Agatha. “Life has no finish line, Kate.”

Mariin siyang tumango. “Teacher, I understand.” Napagdesisyunan na niya, mag-uumpisa ulit siya.

Isang gabi itong nakakakilig at nakakabuhay, ang unang pagkakataon sa loob ng limang taon na muli siyang pumasok sa teatro para manood ng palabas. 1

Pagdating niya sa bahay, nag-aalab pa rin ang puso niya.

Isinilid niya ang bulaklak sa flower vase at kumuha ng litrato, at hindi napigilang mag-post sa social media account niya, “Tonight belongs to my passion and my greatest love.”

Pagkatapos ay nag-alis siya ng make-up, naghilamos, at natulog.

Countdown sa pag-alis kay Vincent.. Day 29. Tonight, I reclaimed my love.

Inakala niyang hindi na naman uuwi si Vincent. Pero sa kalagitnaan ng gabi, nagising siya sa tunog ng pagbukas ng pinto.

Pumasok si Vincent sa kwarto, may dalang amoy ng alak. Uminom na naman siya.

At sa lakas ng tunog ng pagkakabangga niya sa silya napaisip siya, gaano ba karami ang nainom nito?

Hindi na ito naligo. Diretso siyang bumagsak sa kama.

Sobrang tapang ng amoy ng alak. 1

1/2

CHAPTER ROHTEEN

+15 Bonus

Ayaw na siyang pagsabihan ni Kate hindi tungkol sa pag-inom, hindi rin tungkol sa pagligo. Pero hindi niya matiis ang amoy. 1

Tumayo siya, balak lumipat sa guest room. Pagdating niya sa pinto ng kwarto, narinig niya ang boses ni Vincent sa likuran.

“Where are you going?”.

Hindi siya sumagot. Binuksan niya ang pinto.

Biglang umingay ang kama kaya bumangon si Vincent, muling nabangga ang silya, at hinawakan ang pulso niya.

“Hindi ka matutulog? Saan ka pupunta?” tanong pa nito sa kanya.

“Sa guest room. Bitawan mo ako,” sagot niya..Pinilit niyang kumawala.

Pero walang saysay ang makipagtalo sa lasing. Habang lalo siyang nagpupumiglas, lalo rin humihigpit ang hawak nito sa kanya.

“Okay na, stop making trouble,” lasing nitong sabi. “Kung nag-sorry ka na lang nang maaga, hindi ko naman pahihiyain ang sarili mo.”

Napangiwi si Kate sa narinig. Ano raw? Parang sinasabi nitong nag-sorry na siya?

“Kailan ako nag-sorry?” Hindi nga niya ito nakita buong gabi paano siya hihingi ng tawad?

Humalakhak si Vincent nang mahina, malagkit ang boses ng lasing.

“Tonight belongs to my passion and my greatest love…So I came back. If you soften up earlier, I wouldn’t blame you…” 1

Mapakunot ang noo niya…Hindi- Akala ba niya para sa kanya ang post na iyon?

“Vincent, ano bang iniisip mo?”

“Kate…” 1

Bigla siyang niyakap ni Vincent.

“I know. I know you love me. For loving me, you’re willing to give everything. So no matter what happens in this life, I will never betray you…”

2/2

Fifth wedding anniversary Ch

Fifth wedding anniversary Ch

Status: Ongoing

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Options

not work with dark mode
Reset