Switch Mode

Fifth wedding anniversary Ch 19

Fifth wedding anniversary Ch 19

CHAPTER NINETEEN

SANDALING natigilan si Kate. Hindi mali ang sinabi niya. Minsan, minahal niya talaga si Vincent. Sobra. Sinabi rin niya ang mga salitang iyon noong kasal nila. Noon, iniisip ni Kate na, Hindi man iyon love confession, isa itong pangako.

Isang pangakong panghabambuhay. Napakahaba ng isang buhay na balang araw, iibig din ito sa kanya. At kahit hindi- kahit habambuhay siyang hindi mahalin pabalik, okay lang. Mahal niya si Vince at sapat na iyon.

“Vincent,” bigla niyang tanong.

“Hmm?” Ang hininga nitong may halong alak ay dumampi sa kanyang tainga.

“But Mitch is back now. Kapag ikaw at ako ang magkasama… ano ang gagawin mo kay Mitch?” hindi niya mapigilang tanong.

“Mitch? Mitch…” Inulit niya ang pangalan, biglang napabulalas, parang maiiyak. “Mitch… I won’t forget. I promised you. I won’t forget…”

Parang nahulog si Kate sa yelo. Lasing na ba siya at napagkamalan na siyang si Mitch? 2

“Anong pangako?” manhid niyang tanong. “Anong ipinangako mo kay Mitch?” 1

“Everything, all of it… Mitch…”

Biglang humigpit ang yakap nito sa kanya. Biglang gumaan ang katawan ni Kate, binuhat siya ni Vincent, saka itinumba sa kama. Ang hiningang may alak ay dumikit sa kanyang mukha, sa pisngi, sa ilong, sa baba… Hinahanap ng labi nito ang kanya pero iniiwasan niya. 1

Nakakasuka ang amoy.

Nang simulan nitong hatakin ang kanyang pajama, lalo siyang nagpumiglas.

“Mitch, be good don’t make trouble…” usal ni Vincent. Ang akala nga nito ay si Mitch siya.

Mitch pa rin.

Sa matinding pagpupumiglas, nakawala ang isang kamay niya. Buong lakas niya itong inihampas-

PAK!

Isang malinaw, matinis na sampal ang tumama sa mukha nito.

“Vincent! Tignan mo ako nang mabuti! Hindi ako si Mitch!” Sigaw niya sa gitna ng gabi, paos ang boses. “Ano ba! Hindi ako si Mitch!”

Nanigas ang katawan ni Vincent saglit.

Sinamantala niya ang sandaling iyon at itinulak niya ito palayo.

Napatihaya si Vincent sa kama, lasing pa rin, at pabulong na nagsalita. “Mitch… I’m sorry… I have to go home. I promised her I’d take care of her for life… I owe her…” 1

Tinakpan ni Kate ang kanyang mga tainga.

Ang sinabi na iyon ni Vincent ay parang sumpa. Limang taon na siyang binabagabag nito. Sa tuwing maririnig niya iyon, umuugong ang ulo niya. 2

1/2

CHAPTER SATEEN

+15 Bonus

Nakatitig siya sa lalaking nakahiga sa kama, nakasara ang tainga, at sumigaw..

Ayokong nay utang ka sa akin! Vincent! Naririnig mo ba ako?! Ayokong may utang ka sa akin! Ang gusto ko lang ay palayain mo ako!” sigaw niya pero sa kalasingan ay hindi na iyon napansin pa ni Vincent. z

Sa sandaling iyon nag vibrate ang cellphone ni Vincent..Napalingon siya.

Caller ID: “Mitch Baby.” 1

Nanigas si Kate. My Baby Mitch…

Sa phone ni Vincent, ang pangalan niya ay “Kate.”

Noong bagong kasal pa sila, minsan niyang pinangarap na baka balang araw tawagin siya nito ng kahit anong tawagan na sweet, o kahit wife man lang. Naisip pa niyang pakiusapan na palitan man lang sana ang contact name, sa messenger o sa contacts..

Wala. Sa chat. Sa contact list. Siya ay palaging-Kate. 1

Pinilit niyang ipaliwanag sa sarili noon na…Ganito lang talaga ang ugali niya. Hindi sweet. Straightforward. Matigas ang personalidad. 1

Siya ang nagkamali. Sa screen, ang tatlong salitang “My Baby Mitch” ay tila nanunusok sa mata.

Nag-atubili siya kung sasagutin ba niya o hindi? Sa huli ay nagpasiya siya. 1

Kinuha niya ang phone. Sinwipe ang green button. Hindi siya nagsalita. Sa kabilang linya- si Mitch ang unang nagsalita. 2

2/2

Fifth wedding anniversary Ch

Fifth wedding anniversary Ch

Status: Ongoing

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Options

not work with dark mode
Reset