Switch Mode

Fifth wedding anniversary Ch 26

Fifth wedding anniversary Ch 26

CHAPTER TWENTY-SIX

“Tahimik na sagot ni Kate, tila wala na ring gana pang magpaliwanag.

Isang hakbang ang inilapit ni Vincent, bigla siyang napalapit, sobrang lapit na kitang-kita na niya ang mga pinong guhit ng pagod sa paligid ng mga mata nito.

Sabi nga nila, thirty is the age of stability. 1

Pero si Vincent, wala pa sa trenta, may bakas na ng pagod ng mga taon. 1

“Kate…” Hinawakan niya ang balikat ng babae.. May banayad na halimuyak ng pabango mula sa kanya. “Sa mga taon na ito… hindi ba kita inalagaan ng maayos?” tanong niya.

Habang sinasabi niya iyon, hindi na niya maitago ang pagod, nasa pagitan ng nakakunot na noo at sa nangingition na ilalim ng kanyang mga mata.

Marahang napabuntong-hininga si Kate.

Oo. Aaminin niya, ginawa ni Vincent ang lahat ng kaya niya para alagaan siya. Sa pagkain, sa gamit, sa tirahan, sa pera. Pati sa kanyang lola at pamilya, never siyang nagdalawang-isip gumastos. All out. Walang reklamo.

Pero Vincent… Ang ganitong klase ng “kabutihan” mo, mas gugustuhin ko pa noong una pa lang ay binayaran mo nalang ako, dahil parang binili mo ang pilay kong paa, tapos tapos na. Pero hindi niya masabi yun.

“Kung wala akong nagawang mali sa’yo,” patuloy niya, bahagyang namumula ang mga mata, “paano mo natiis? Paano mo natiis na makipagsanib-puwersa sa mga tagalabas para saktan ako nang ganito? Hindi ba akin ang sayo? Hindi ba ang career ko ay career mo rin? Hindi ba ang pera ko ay pera mo? Hindi ba tayong mag-asawa ay iisa?” sumbat niya pa kay Kate. 5

Ngayon niya lang naalala na iisa sila bilang mag-asawa?

Hindi ba at palagi siyang nasa panig ni Mitch, at siya si Kate ay ang laging naiitsapwera? Ang laging parang outsider? ?

“Vincent.” Huminga siya ng malalim.

“Ngayon mo lang ba naalala na mag-asawa tayo?”

Bahagyang tumigil ang tingin niya, at mas lalo pang bumigat ang pagod sa mukha niya.

“Still blaming Mitch?” sabi niya. “She was just trying to help. Alam niyang si Mr. Abaya, prefers partners with stable families and loving marriages. Kaya nung nag coffee sila, she didn’t explain. But what does that change? Hindi ba ako asawa mo? Nasa marriage certificate natin ‘yan. Sa simbahan. I’ll always be your husband.” *

“Actually…” mahinahon ngunit malamig ang tinig ni Kate, “hindi na kailangan.”

“Hindi kailangan ang alin?” Napakunot noo si Vincent, hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

“Hindi na kailangang tumulong ng may ‘good intentions.’ Hindi na kailangang magpanggap. We just need to

“Shut up!”

Nahulaan niya ang susunod na sasabihin ni Kate at marahas niya itong pinutol.

“Do you really think that once you’re annulled, he’ll marry you? Don’t be stupid.”

Pagkasabi noon, binitiwan niya ang balikat ni Kate at mabilis na umalis.

1/2

Humampas ang malamig na hangin, dala ang pabangong naiwan sa kanya. Pabango iyon ni Mitch, ang pabangong

namit niya ngayong gabi.

Hindi iyon gusto ni Kate Mabigat ang amoy, at kapag humalo sa hangin, parang pati paghinga ay nagiging mahirap. Tahimik siyang purtiasok sa building.

Pagdating sa loob ng unit ay bumungad sa kanya ang mga bulaklak na dinala niya kagabi, nakatapon sa sahig. kasama ang basag-basag na flower vase..

Wala si Ate Nova sa bahay.

Mukhang totoong galit na galit si Vincent ng mga oras na iyon.. Aminado si Kate, isang workaholic si Vincent. Sa murang edad ay napalago nito ang negosyo, ang sariling kumpanya…Wala pa siyang trenta, perolang pangalan niya ay kilala na.

Mahalaga sa kanya ang partnership kay Mr. Abaya At dahil nasira iyon ngayong gabi, natural lang na magalit siya.

Pero… kasalanan ba niya iyon?

Siya ba ang nagkunwaring asawa ng iba at sinira ang deal? Lumuhod si Kate para pulutin ang mga basag ng flower vase nang may marinig siyang pagbukas ng pinto.

“Ma’am, ako na po.” Boses iyon ni Ate Nova, mabilis na lumapit, takot na baka masugatan ang amo niya.

“Lumabas lang po ako sandali para kunin ang mga damit,” paliwanag niya. May ilang damit kasing ipinadala sa professional care shop. 2

Pagkatapos ay nag-atubili siya, pero nagsalita rin. “Ma’am… nakita ko po kanina si Sir.”

“Hmm.” Malamig ang tugon ni Kate. Oo, nakita rin niya at nakita rin niya kung paano ito umalis.

“Mag isa po siyang nakaupo sa tabi sa labas. Hindi ko po alam kung ano ang ginagawa niya.”

Ano pa nga ba? Wala na ang project. Cooling down time.

“Okay lang,” mahinang sabi ni Kate. “No need to worry.”

Kung noon iyon, siguradong sobra ang pag aalala niya.

Limang taon ng kasal, limang taon din niyang sinamahan si Vincent sa pagbuo ng pangarap nito. Inaalala niya kung napapagod ba ito, kung nasasaktan sa labas, kung nalulugi, kung nabibigo, kung nalulungkot kapag may kabiguan…

Ngayon…Tahimik na lang ang lahat.

Fifth wedding anniversary Ch

Fifth wedding anniversary Ch

Status: Ongoing

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Options

not work with dark mode
Reset