Switch Mode

Fifth wedding anniversary Ch 27

Fifth wedding anniversary Ch 27

CHAPTER TWENTY SEVEN

SMUSUNOD ang puso niya sa bawat galaw ni Vincent. Kaya inaayos niya ang mga pagkain nito, inalagaan nang mabuti ang bahay, pilit ginawang warm and peaceful ang lugar, isang tahimik na pahingahan na maaari niyang uwian. Kahit gabi-gabi itong umuwi ng sobrang late, umaasa pa rin siyang sa oras na makapasok ito sa bahay, makakapag pahinga man lang siya nang maayos… 1

Pero sayang dahil mukhang hindi niya kailanman kailangan ang lahat ng iyon. Kung gano’n, hayaan na lang ang taong gusto niya ang mag-alala para sa kanya. 1

Nagpasya si Kate na maligo muna, tapos mag-check ng impormasyon tungkol sa pag-aaral sa abroad bago matulog. Pero minsan, nakakainis talaga ang social media. Palagi nitong naipapakita ang mga bagay na ayaw mong makita. 1

Pagbukas niya ng social media, biglang lumitaw sa homepage niya ang post ni Mitch. 1

Kaka-post lang nito, ilang minuto pa lang ang nakalipas. Tungkol sa nangyari ngayong gabi.

Isang litrato ng magkahawak na kamay.

Kamay ni Vincent, hawak ang kamay ni Mitch. 1

Ang caption:

He has always been a strong tree, proud, confident, standing tall no matter how strong the storm. Tonight, he suffered injustice because of me. Thank you, for standing against the whole world for my sake. Even if thousands point their fingers at you, in my heart, you’re still as solid and towering as a mountain.i

Mapait na ngumiti si Kate. Tahimik niyang pinindot ang “Not interested”, umaasang hindi na niya muling makikita ang post na iyon. Buti na lang, hindi niya kailanman ikinumpara ang sarili niya kay Mitch sa puso ni Vincent. 1

Kung ginawa niya iyon, talagang talo na siya ng tuluyan.

Isang taong itinuturing ang career bilang buhay si Vincent, pero nang maramdaman niyang mapapahiya si Mitch, madali niyang isinuko ang isang mahalagang project. At isinuko pa niya iyon ng may dignidad, may tindig, gaya ng sinabi ni Mitch: standing against the world for her, parang bundok na sumasalo ng lahat para sa kanya.

Inakala ni Kate na hindi na uuwi si Vincent nang gabing iyon.

Pero mali siya. Pagkatapos niyang makatulog, dumating ito.

Sa guest room siya natulog. Akala niya, hindi na siya nito gagambalain. Tutal, sa pananaw nito, siya ang sumira sa pinakamahalagang bagay nito ngayong gabi, kung gugustuhin nitong isisi ang lahat sa kanya.

Pero mali na naman siya. Nagtangkang magbukas ng pinto Vincent. Naka-lock iyon kaya hindi niya nabuksan. Kaya kumatok ito pero hindi niya pinagbuksan..

Mas malakas ang katok. “Kate,” sigaw ni Vincent.., “alAkala mo ba sa sarili kong bahay, mapipigilan ako ng pintuang ito?”

Totoo naman. Kung gugustuhin niya, kaya niyang sipain ang pinto at basagin iyon. Pero hindi na niya ginawa. Tumayo si Kate at binuksan ang pinto.

Akala niya lasing na naman ito dahil kakaiba ang emosyon niya. Pero mali na naman siya.

Walang amoy ng alak. Sa halip, may dalang malamig at mamasa-masang simoy ng gabi mula sa malakas na ulan

1/2

CHAFTER TWENTY SEVEN

+15 Bonus

sa labas… May isang dahon pang nakasabit sa balikat niya. 1

May kailangan ka?” tanong ni Kate, hawak ang pinto.

“Bahay ko ito! Ikaw ang asawa ko! Kailangan ko bang may dahilan para pumasok?” singhal niya. Namumula ang mga mata niya, at may bakas pa rin ng pagod sa ilalim nito.

“Then do whatever you want,” malamig na sagot ni Kate. 1

Pagod na siya sa ganitong klaseng paghila at pagtulak. Paulit-ulit lang siyang nilalamon ng masamang emosyon na wala namang patutunguhan. Gusto niyang matapos na agad, quick and clean, pero ayaw nito. Kaya lahat ng paliwanag, wala ring saysay. 1

Tumalikod siya at humiga muli sa kama.

“Iyon lang ang reaksyon mo?” sumunod si Vincent sa loob ng guest room.. “Kate, nawala ang project ko, ganyan lang ang reaksyon mo? Ilang gabi akong walang tulog, ilang meeting ang tinakbuhan ko, ilang version ng proposal ang ginawa ko tapos ganyan ka lang?”

Paulit-ulit na naman sa parehong usapan.

Nakakapagod.

“Eh ano bang gusto mo?” tanong niya ng walang emosyon. “Gusto mo bang pumunta ako at makiusap?” You’re imagining things. Hindi niya gagawin iyon.

“Hindi kailangan.” Tumayo si Vincent sa tabi ng kama at tinatanggal ang cufflinks.1

“Ang mga bagay na binitawan ko, hinding-hindi ko na pupulutin.”

Napatawa si Kate ng malamig.

May kulang sa pangungusap na ‘yon-maliban kay Mitch.

O baka nga, hindi naman niya kailanman binitawan si Mitch. Noon pa man, si Mitch ang bumitaw sa kanya.

“Kung ganon,” tanong niya, “bakit ka nandito at nagwawala?”

“Nagwawala ako?” Hinila ni Vincent ang kuwelyo ng kanyang polo. Sa isang malakas na hatak ay pumutok ang mga butones, nagkalas ang buong harapan ng damit.

“Tonight,” mariin sabi ni Vincent na nagliliyab ang mga mata..”Ipapakita ko sa’yo kung ano ang itsura kapag nagwawala talaga ako.”

2/2

CHAPTER DMENTY Dod

Fifth wedding anniversary Ch

Fifth wedding anniversary Ch

Status: Ongoing

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Options

not work with dark mode
Reset